Pag-asa
A Filipino poem by Jesus I. Santos of Marilao, Bulacan.

Maganda ang langit, tahimik ang lah at Ang bukang-liwayway nawala na’t sukat Panibagong araw, bago ang liwanag Na nagmamadaling ibig nang sumikat
Di nagtagal saglit, umaga na naman Laganap ang awa ng Poong Maykapal Ang ating dalangin sana’y maramdaman Ang ating lunggati na maging marangal
Abala na tayo’t tanghali’y darating Ngunit sa sarili’y tila wala pa rin Pagod na ang isip, anong sasapitin Pagdating ng hapong ibig nang dumilim
At dumating na nga, wala na ang araw Ang buong maghapon hindi na matanaw Ang ating pangarap na biglang pumanaw Nawala na’t sukat paglubog ng araw
Ngunit may gabi pang tiyak na darating Nawala na’ng ulap, puno ng bituin Sa nabigong puso, may bagong luningning Pagsikat ng buwan wala na ang dilim.
Ito na nga kaya ang batas ng buhay Ang ating pag-asa di dapat mamatay Sa buong maghapong tayong nagpapagal May katulong tayong Diyos na maalam.
Tula ni Jesus I. Santos, Marilao, Bulacan



President’s Corner
The Week That Was